Tuesday, December 29, 2009

Si Ykaie at ang Pop Pop

May field trip na naman kaming mag-nanay kanina sa ospital at si Ykaie 2am pa lang may LBM na. Sabayan pa ng pagsusuka.Susko, sobrang nag-alala ako at si Ykaie di naman nag-LBM yan kahit ano pa ang kainin. Tapos naalala ko na nagpapautok yung mga bata ng Pop Pop kagabi. Sabi ko, baka mamaya ay naisubo ni Ykaie yung Pop Pop. at Tama nga ako, naisubo nga ni Ykaie. Syempre kahit na nailuwa nya yun, meron pa rin syang nalunok kahit papano. Nakakaloka! Kung sumuka ay ga-drum.Ang dame!

Okay pa rin naman sya ngayon kahit papaano...I just have to keep her hydrated with ORS...

1 comment:

arny said...

awww kawawa naman si baby at si mommy, pagaling agad ykaie

arny

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin