Sunday, December 20, 2009

Dance Caroling

Dito sa amin ay usong-uso ang Dance Caroling,iyon bang nangangaroling sa pamamagitan ng tugtuging pamasko tapos mga naka-costume sila ng pang-pasko din. Katulad nitong mga dance carolers na ito last year. At Dahil kausuhan na ang Caroling ay heto na naman po ang mga dance carolers at mas dumami pa sila.

Ang nakakalurky pa, ay parang hindi na pang-Christmas ang mga sinasayaw nila. Katulad na lang nitong isang ito.Susko! Natakot ang anak ko! Mukha silang mga creepy clowns na nagsasayaw ng kung anu-ano.

Naku mga bata, Pasko na...baka akala ninyo ay Halloween pa. Dapat ay sweet-sweet-an at adorable ang dance number nyo at hindi nakakakilabot.

Eto pa, Simula ng nauso ang kantang "NOBODY" ng Wondergirls ay wala ng ibang sinayaw ang mga dance carolers kundi "Nobody". Siguro mga 15 times kong naririnig ang "Nobody" gabi-gabi mula ng mag-December na. Nakaka-ulaw....

Isa pa to, Nobody rin ang sinasayaw nyan. Buti na nga lang at sinabayan ni Ykaie at nai-video ko pa!
Uso ba sa inyo ang dance caroling?


an entry forPhotobucket. Happy Start of the Week!

9 comments:

Gloria Baker said...

Peachskins this look so fun and nice, xx gloria

R. said...

Ahaha! Nice!
Dance Caroling na pala ang uso now. Got my PBW post here.

Anonymous said...

My first visit to your blog :)

That's so cool! Karapat dapat bigyan ng gift kasi may effort pa talaga. :) Have a good week ahead.

Kero said...

this looks really fun! pag meron dito, iw ould give them lots of loot!...for the effort syempre :)

my entry is here http://kcelebration.blogspot.com/2009/12/10th-dubai-international-motorshow.html

Sassy Mom said...

Eh, syempre pa... hit na hit talaga ang nobody! nakakaaliw naman dyan sa inyo.

Willa said...

Naaliw naman ako sa Dance caroling na yan, at least may creativity di bah? Caroling with a twist, pero siguro mas maaappreciate ko kung may effort, I mean yung ok ang choreo instead of bahala na dance, malamang bigyan ko ng malaki, he he he, pero nakakaaliw ha,infairview! lol!

Genejosh said...

he..he..I enjoy their dance caroling..pero parang nawala ang essence ng Christmas ano...here in hatyai bihira lang yong caroling..I miss it:(

mine's here: http://genefaith.blogspot.com/2009/12/pixel-bug-weekend-christmas-party-at.html

JonaBQ said...

hehehe! sana mauso rin dito ang dance caroling pro christmas songs din. pero ang nobody uso kahit saan e :/

Hawaiian Christmas Party

A Time To Weep and A Time To Laugh

thanks and have blessed day!

Unknown said...

wow sis, ang saya naman sa lugar nyo..

happy holidays to you and your family!

bisita ka din sa blogs ko ha.. see u!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin