Thursday, January 6, 2011

Si ykaie na antukin!

Well, actually, hindi talaga sya antukin pero mahilig syang magpigil ng antok nya kaya naman kung saan-saan sya nakakatulog. Noong isang araw ay nanggaling ako sa shop at magtitimpla sana ng kape. Pumasok ako sa bahay at pagbukas ng pinto ay tawa ako ng tawa sa nakita ko. Tinawag ko pa si sis para makita nya..hehehe.
Si ykaie na pagkadungis-dungis pa ay natutulog sa sahig! Kasama pa yung mga flag ng Dora na pinaglalaruan nila ng mga pinsan nya kanina. Hala, kung saan inabutan ng antok ay doon na lang ipinikit ang mata. Naloka naman ako.
Noong isang linggo naman ay inip na inip na sya habang hinihintay akong matapos mag-toothbrush at maghilamos. Aba, nakita ko na lang na namamahinga na sa may hagdan habang hawak ang dede nya...hahaha..
 July 2010
Naalala ko tuloy last year, may mga pagkakataon na nakatulog din sya habang naglalaro ng computer at habang nasa department store cart.
May 2010
Eto pa ang isa, nakatulog ulit pagkatapos gumising...hahaha..

Saan-saan na naman kaya ito makakatulog this year???

10 comments:

anney said...

Di mo naman kinuha sa cellfone ko yung pic nya na natutulog habang umiinom ng zesto! hahaha!

Willa said...

May pagka-Sleeping beauty pala itong si kikay Ykaie, lol!

Gloria said...

ooh my little and sweet baby!! She is so tired, I remember Esperanza always finally sleep anywhere! huggs, gloria

Kate said...

sobrang cute naman! nakakatawa yung sa stairs. aww :)

Apostolic Lighthouse said...
This comment has been removed by the author.
Mommy Liz said...

nakakatuwa yan ah, hehehe! si Alex di matutulog kung saan saan, buti pa si Wrozlie, kung saan abutin ng antok dun babagsak!

Anya said...

super cute ni ykaie, sarap kagatin habang nakalupasay sa sahig :)

Vic said...

ang cute naman ni ykaie! hehe.. :)

happy new year peachy! :D

lyzacruz88 said...

your little girl is so cute!

Beth said...

super cute!!! heeheh antukin pala siya! walang pinipiling lugar ha?!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin