Saturday, January 22, 2011

7 Things About Me and an Award

Thanks for the award new friends in the blogosphere Lyza and Phoebe.

Sa totoo lang, noong unang panahon ay gumawa na ako ng 10 Random Facts About Peachy tapos nai-tag naman ako ni Liz, so I listed 8 Things you might not know about me. Tapos ni-tag naman ako ni Sisteringking at ni Beth at ginawa ko ang 6 Things People Don't Know About Me. Ngayon seven naman... Kukuha na lang ako doon sa mga dati kong posts, huh?

  •  Isa akong Pulis na matulis...yup, sa maniwala kayo't sa hindi ay nagtapos ako ng kursong  BS Criminology. Kinder pa lang ako  ay pangarap ko ng maging pulis dahil feeling ko astig sila at may "hero" image. Noong lumaki na ako ay interesado pa rin ako sa mga krimen at kriminal ngunit pinigilan ako ng nanay ko na magpulis dahil,alam nyo naman na dito sa atin ang imahe ng Pulis at ng Kriminal ay iisa..hehe
  • Gusto kong pumayat...pero alam kong mahihirapan ako dahil mahilig akong lumamon kumain. Very adventurous ako when it comes to food. Hala, tikim dyan, tikim dito na akala mo wala ng bukas kapag nakakita ng bago sa paningin.
  • Hindi ako nag-uunan kapag natutulog.Ewan ko ba kung bakit.Mas komportable lang yata ako pag ganun.
  • Mahilig ako sa Yakult on the rocks. Yakult na nasa basong puno ng yelo..hahaha
  • Kapag bumibili ako ng taho ay hindi ko ito pinapahalo.Ayoko ng durog na taho kahit na alam kong madudurog din naman iyon sa tyan.
  • Hindi ako marunong lumangoy pero mahilig akong mag-swimming.Punta ng beach tsaka mga resort pero hanggang tampisaw at floating lang ako...........tsaka picture.
and last but not the least ...
  • My name is peachkins and I'm a coffee addict..hahaha
The award I wanna share to anyone who reads this post...

Here are the rules for receiving this award:
  1. Thank and link back the person who gave you this award.
  2. Share 7 things about yourself.
  3. Award 15 great bloggers you know.
  4. Contact these bloggers and tell them about the award.

    3 comments:

    rjs mama said...

    hindi halata na pulis ka sis =D

    ako din gusto ko pumayat pero medyo hindi ko typr yung yakult on the rocks hehe, hindi ba mawawalan ng lasa yun?

    Dj MariƱas said...

    ngayon ko lang nalaman na di ka nag uunan pag natutulog. ako naman di pwedeng walang unan, 3 unan ko pag natutulog. pag nandito si mark isa lang, haha

    Marijo said...

    Wow! I'm not alone! I dont like mixing my taho either - gusto ko buo pa cya. and I love love love coffee too! batangas kasi lumaki hahahaha

    Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin