Showing posts with label sleepy. Show all posts
Showing posts with label sleepy. Show all posts

Thursday, January 6, 2011

Si ykaie na antukin!

Well, actually, hindi talaga sya antukin pero mahilig syang magpigil ng antok nya kaya naman kung saan-saan sya nakakatulog. Noong isang araw ay nanggaling ako sa shop at magtitimpla sana ng kape. Pumasok ako sa bahay at pagbukas ng pinto ay tawa ako ng tawa sa nakita ko. Tinawag ko pa si sis para makita nya..hehehe.
Si ykaie na pagkadungis-dungis pa ay natutulog sa sahig! Kasama pa yung mga flag ng Dora na pinaglalaruan nila ng mga pinsan nya kanina. Hala, kung saan inabutan ng antok ay doon na lang ipinikit ang mata. Naloka naman ako.
Noong isang linggo naman ay inip na inip na sya habang hinihintay akong matapos mag-toothbrush at maghilamos. Aba, nakita ko na lang na namamahinga na sa may hagdan habang hawak ang dede nya...hahaha..
 July 2010
Naalala ko tuloy last year, may mga pagkakataon na nakatulog din sya habang naglalaro ng computer at habang nasa department store cart.
May 2010
Eto pa ang isa, nakatulog ulit pagkatapos gumising...hahaha..

Saan-saan na naman kaya ito makakatulog this year???

Saturday, August 23, 2008

Bangerla

Wala akong picture ng dinner ngayong gabi.We had Grilled Chicken Salad.Wala akong lakas.Paano ba naman super bangerla ako't may mga overnighters nga kagabi na 6am na nag-out.Can you imagine?! 6 AM!! Natulog lang ako ng 6:45am tapos open na ulit yung shop ng 9am.Grabe!!
Pero di ko na nakayanan,natulog ulit ako ng 10am...bumangon ng 2pm.Natulog ng 4pm...bumangon ng quarter to 6pm.Nagkape.Naligo.

At eto na ako ngayon.Live and Aliive!!! Hehehe.

Si Alvin??Hayun,tulog..sigurado bukas na ng umaga babangon yun.

Meron ulit akong overnighters tonight..Business as usual.

Inaantok yata ako..
Waaaaahhh,kailangan ko ng makukukot!!
Paano na ang South Beach Diet?!

Wednesday, July 30, 2008

ZZZZZZZzzzzzzzzzz'sss

Some pictures taken around 1am..

sleepy na kami...look at mommy's eyebags..







at nakuha pa mag-smile ni mommy...



Chubby cheeks!!







  good night everyone!
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin