Thursday, December 23, 2010

Neighborhood Christmas Party

Um-attend si Ykaie ng Christmas party dito sa aming neighborhood last tuesday. Excited sya dahil ito ang kauna-unahang christmas party nya.
Kaya naman dala-dala nya yung pang-exchange gift nya ay pumunta na sya agad dun sa venue. Sige nakisayaw sa kaisa-isang batang nandun dahil maaga pa.
Maya-maya unti-unti na ring dumami ang mga bata pero nung mag-start na yung party bigla syang umuwi at ang sabi sa akin "mommy, ayaw ko ng um-attend". Siguro dahil sa hindi sya nakapag-nap nung hapon ay pagod na at inaantok na.
I just took a few pictures and let her eat dinner. After that she was off to dreamland. Ok na rin kahit na hindi sya nakapag-participate sa buong program ng Christmas party. Makulay pa rin ang gabi dahil masaya sya, may sayawan, nakapag-party-party ng kaunti at may laruang galing sa exchange gift.

ito ang aking lahok para sa.
{Sorry at hindi purong tagalog ang entry ko..}

2 comments:

anney said...

Ang kyut kyut naman ni Ykaie!! Bagay na bagay sa kanya ang suot nya. Sa pasko susuot nya uli yan para sa family picture pero yung green na ang nakalabas. Natahi ko na kanina ang scallop ek ek effect .Ang bongga diba at baligtaran!

Willa said...

Ang cute naman ni Ykaie, napaka fashionista at kering keri nya talaga. :)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin