Saturday, December 18, 2010

Dance Caroling 2010

Kung dati na kayong naliligaw dito ay siguradong alam nyo na ang usong pangangaroling dito. Walang iba kundi ang --Dance Caroling! Nakakuha na ng paraan ng pangangaroling ang lahat. Kahit sintunado ka,{na kagaya ko} pero magaling ka naman magsayaw ay pwedeng-pwede ka na mag-caroling. 
Kanya- kanya sila ng gimik at kanya-kanyang ng costume. Noong 2008, tuwang-tuwa ako sa mga nag-caroling kasi ang costume nila ay talaga namang Christmas na Christmas.Tapos noong 2009 naman, merong parang late Halloween ang costume dahil medyo freaky, pero meron din namang mga naka-red...medyo Christmas-sy na din.
This year, parang mga girl dance groups ang drama nila at ang mga sinasayaw ay ang mga kanta ni Justine Bieber at iba pang mga usong tugtog. Maganda sana kung Christmas-sy ang costumes at ang sinasayaw ay mga Christmas songs.

Lima yata ang nag-dance caroling dito kagabi, pwera pa doon sa mga batang nangangaroling na may dalang kutsara't tinidor.

Uso ba sa inyo ang dance caroling??

an entry forPhotobucket.

4 comments:

anney said...

Halika mag dance Caroling tayo nila Romana!! hihihi!

J said...

wow naman!!! May ganyan pala sa Pinas. Haaay, miss ko na talaga ang pasko diyan!

kimmy said...

uy! di pa ko nakakita nyan.. parang ang saya!

Rome Diwa said...

natawa naman ako sa kutsarat tinidor!!!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin