Thursday, September 30, 2010

LP: Manipis (Thin)

Nakakaimbyerna tong kapitbahay ko!! Dapat piniktyuran ko sila noong isang linggo para ilahok dito sa LP at akmang-akma sa kanya ang tema na Makapal dahil sobrang kapal ng mukha nila!! Kaya lang ay ayoko ibalandra ang mga mukha nila rito at kapapangit naman. Paano ba naman nagka-problema sila sa bahay nila pero dahil magkatabi kami ng bahay ay kami ang napeperwisyo. Ang gusto ba naman ay kami ang magpagawa ng nasirang parte ng bahay nila. Hindi talaga sila kumikilos. Parang feeling ko, sinasabi nilang tutal kayo naman ang napeperwisyo, kayo ang magpagawa.....

Numinipis na ang pasensya ko, pag naubos na gye-gyerahin ko na talaga to.

Pasensya na mga ka-LP..naglalabas lang ng sama ng loob.....ayoko magpa-picture na mukhang galit kaya si ykaie na lang.....

ito ang aking lahok para sa.Magandang Huwebes!  Sana gumanda rin ang huwebes ko....

8 comments:

Julie said...

di tayo magkapitbahay pero I can relate.

nayayamot ako sa mga tao dito sa paligid namin (di namin kapitbahay), lalo yung mga taga-looban sa kabilang kalye na kapag lumalabas mula sa lungga nila eh akala mo nabili na nila ang lugar dahil ka- iingay. mahirap sawayin baka batuhin/kuyugin nila kami :(

Marites said...

ay naku po..nasa parehong sitwasyon tayo. Parang ang sarap na ngang ipa-barangay eh. Dasal nalang tayo na magkaroon pa ng mas mataas na pasensya muna. ang cute naman magalit ng anak mo:) maligayang LP!

upto6only said...

naku talagang magiinit ang ulo ko din nyan. pati kayo dinamay.

stay happy na lang at ang wrinkles :p

happy LP

Unknown said...

hahaha inhale, exhale muna! mahirap magkaroon ng neighbor from hell--- gusto mong maghuramentado! pero sabi nga, ang maasar, talo. patigasan lang ng mukha yan!:p

christina said...

malabo na talaga ang saying na "love thy neighbor" pag ganyan..

Happy LP!

Jenn said...

Mukhang pati si Ykaie may inis sa kapitbahay. Hay naku, nakaka-badtrip talaga ang mga kapitbahay na ganyan.

Ang aking lahok para sa Litratong Pinoy ay naka-post DITO. Happy Huwebes!

Kate said...

Hugs, Peach :) Relax lang!

agent112778 said...

i love her thin curly hair, ang cute


<a href="http://agent112778.blogspot.com/2010/09/lp-119-manipis-thin.html>eto ang aking manipis na entry</a>

thanx sa comment sa blog ko, sorry late ang bloghop kasi nag prepare sa lakad kanina (01 Oct)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin