Hindi galing sa akin ang mga tips na ito. Nadampot ko ito sa naging kasamahan ko noong call girl pa ako sa Makati. Call girl din sya, pero ngayon ay TL na. { Wag madumi ang isip, sa call center kami nagtatrabaho}.
Happy Marriage tip#1: Wag Tumanggi. Wag nyong bigyan ng dahilan si hubby na humanap pa ng iba kung pwede naman nyong ibigay ng libre araw-araw!
Happy Marriage tip#2: Wag magpka-LOSYANG. di porket me mga junakis na eh excuse na pabayaan ang sarili. Dapat tayo ang pinagpapantasyahan ng asawa at hindi si Kristine Reyes! Obligasyong magpaganda para sa asawa!
Happy Marriage Tip#3: Wag MADAMOT. Kung si spouse ay bet magpaka-charity institution sa kamag-anak or friends, go lang. Mas mabuti na kayo ang nagbibigay kaysa kayo ang humihingi.
Happy Marriage tip#4: Dapat me AMNESIA. Wag ng mag history major 101. Kapag pinatawad mo ang asawa, wag ng banggitin pa ang nakalipas. I-activate ang poor memory. What for na mag reminisce diba? pinatawad mo eh.
Happy Marriage Tip#5: Di tayo SUPER HEROES. Don't act like one. Lahat ng problema or blessings, wag sarilihin. Surrender ke Papa God. Make Him the center of your marriage. Lalo na kung sakit ng ulo asawa nyo... naku, iluhod nyo na sa Baclaran yan!
Happy Marriage Tip#6: Wag IPILIT and DI KAYA. Wag mag-expect ng di ma-frustrate. Example: 1 taon mo ng hinihiling na mag text back si mister sayo pero di pa rin matuto. Me cellphone naman pero di ginagamit. Isn't it obvious na di sya ma-text na tao?
Happy Marriage Tip#7: Witchels kang TANGA! If enjoy ka sa pagiging punching bag o rejoice ka pag umuuwing lasing o high si spouse, o feel mo ang madaming kahati, tigilan ang pag read ng tips ko. No amount of tips can get you out of that situation. Get help,go counselling. Minsan matindi ang gamutan sa katangahan.
Happy Marriage Tip#8: Kung hindi mo mahal, wag mong pakasalan. Kung napakasalan mo na, at hindi mo parin mahal, hiwalayan mo na la ng kaysa niloloko mo lang. KABOG!
Thank you Mitch Escalada fo allowing me to publish this on my blog.
1 comment:
panalo sa tips bff a!
Post a Comment