Thursday, September 16, 2010

LP: 2 (two, dalawa)

May dalawang baby ampalaya sa aming bakuran. Tuwang-tuwa si Ykaie sa tuwing nakakakita ng bagong usbong na ampalaya. Alam nya kasi na sa loob lamang ng ilang araw ay malaki na ito at pwede na pitasin. Pagkapitas ay nilalagay namin ito sa chiller ng ref para di agad masira. Ito namang si ykaie, kapag malamig na ang ampalaya ay kinukuha at pinaglalaruan. Nandoong ilagay sa leeg, nandoong ilagay sa kili-kili habang sinasabing "it's cold, mommy, it's cold"

Niloko ko nga sya isang beses "Yuck, nilalagay sa kili-kili..ayoko na kainin yang ampalaya na yan." sabi ko...

ito ang aking lahok para sa.Magandang Huwebes!

8 comments:

Luna Miranda said...

kahit di ako kumakain ng ampalaya, naaaliw akong tingnan tong litrato mo. natawa naman ako sa laro ng anak mo.:p

Lino said...

hehe... dalawang ampalaya... di ako nakain nyan... Happy LP! :)

upto6only said...

ang cute naman. sana hindi cya mapait :)

happy LP

Jay - agent112778 said...

ibalot mo sa dyaryo para di sirain ng uod.

maligayang araw ka-LP, eto ang aking lahok

Mel Cole of PA, USA said...
This comment has been removed by the author.
Mel Cole of PA, USA said...

Ang cute naman at nilagay sa kili-kili nang anak mo. Tuwang-tuwa talaga siya. Pahenge naman nang isa. Ang sarap nyan i-guisa na may itlog at onions tsaka daming rice. Yum!

J said...

Hahahaha... ang kuwela talaga ni Ykaie!

rome said...

ay ampalaya!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin