Monday, June 28, 2010

Nakapag -unwind din!

It feels so refreshing kapag nakakalakwatsa ako.Sobra! Aside from cooking, watching a movie or window shopping...... anything that takes me away from my work's vicinity makes me feel rested and relaxed. Minsan kasi nakakalurky naman yung araw-araw ganun at ganun ang nakikita at nae-experience mo. Oo, minsan masaya kasi may mga kakaibang nangyayari, kagaya ng mga sira-ulong nakiki-CR tapos naghuhumiga sa CR ng walang saplot.....pero di naman nakakatuwa yon. Nakaka-haggard na nga at wala akong helper, syempre kailangan lumamyerda minsan para makapag-unwind kahit papaano.

Kanina nga, dahil monday, syempre walang tao. Wala ring Frankenstein monster na binubuo si sis sa kanyang secret laboratory kaya naman biglang nagyaya si sis na manood ng Prince of Persia. Ayun, nagsara ako ng shop at sya rin nagsara ng secret laboratory..Go kami sa mall at nanood ng sine. Mga 4-5 hours din naming pinutol ang aming mga normal na buhay. and of course, after the movie...eto back to normal na naman.....

Musta na kaya yung mga pineapple bits na pinakuluan ko kanina?

Ang lakas ng ulan, sarap mag-coffee....coffee tayo?

2 comments:

anney said...

wala lang...wahahaha

claire said...

sarap talaga pag nakakapg-unwind.. me and my friend also had time yesterday to get out and have fun - buti na lang half-day lang sked namin.. and yes, sarap talagang magcoffee lalo na kung maulan :)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin