Monday, September 29, 2008

Malling with the Family

Kahapon na lang ulit nakita ni Ate Arlene (sis-in-law) si Ykaie.Siguro mga three weeks to 1 month din nya tong di nakita.Nagulat nga sya at medyo marunong na maglakad at matakaw na si Ykaie.
 
We had merienda at Max's Restaurant.
Heto si Ykaie,tuwang-tuwa na naman habang hawak nya ang menu.
<< Stolen shot ni Alvin at ni Ate Arlene after merienda.

Wasn't able to take pictures of the food that we ordered (whole Max's fried chicken and pancit) kasi gutom na ang little girl ko at nagmamadali ng kumain.


Ykaie and Lola Lucy's picture was taken just outside Max's




After eating we headed to The Block at the Coffee Bean and Tea Leaf for some coffee and dessert.
 
Hmmnnn...choices,choices
 I've been craving for some cheesecake.There were lots of choices so choosing was the hard part.
Finally settled for the Toblerone Cheesecake.It wasn't as good as I expected,though. Not enough chocolate and not enough of the tart-cheesecake taste.  Hay,feeling ko di sya sulit for it's price. *sigh*

At habang nagco-coffee, namasyal-masyal din kami....picture konti..
Ykaie and me....ayaw mag-smile,sleepy na kase
 
Ykaie and Tita Arlene (smiling kahit pagod na sa bigat at likot ni Ykaie)
 
Tambok ng pisngi ni Ykaie..hahaha
 
Namamasyal-masyal sa mall, litaw ang tyan....

Saturday, September 27, 2008

Chill

Nagpunta kami kanina sa  Mini-Stop para bumili ng coke.Bumili rin si ate Pinky ng Chillz (yung parang Iced Coffee granita),Tapos gusto daw nya ng chicken kaya pumunta kami sa KFC.Habang nakaupo kami ni Ykaie,naglililikot sya dahil pinagnanasaan nya yung Coffee Chillz.Para hindi na sya maglikot,pinasubo ko sa kanya yung straw,dahil alam ko naman na di sya marunong sumipsip dun.

Nagulat na lang ako ng unti-unting umakyat yung drink dun sa straw at tuwang-tuwa si Ykaie habang nalalasahan nya ang malamig na inuming kanina pa nya pinagnanasaan...Wahahahahaha.Marunong na syang gumamit ng straw...Yeheeeey!!


---------------------------------------------
 New Ykaie Pixs:

May nabili kaming bagong pacifier...bagay kay Ykaie...Ahaha
Oh,diba? ang taray....hehe..parang Angge lang??
 
Sleepy na..
and this is what my little fashionista was wearing when we attended Malvin's  birthday party last Sunday.....
  
look at the little angel ♥♥♥
You wont miss that smile!!

Zufer Ufdate

 Super busy kahapon at di ako nakapag-post ng update.So far,here's what happened to me:

Yeheeeey!!! I am now a part of the We Swap Snacks community.I got approved yesterday.Super excited ako.Kahapon nga habang bumibili kami ni ate ng diaper ni Ykaie iniisip na namin kung anong filipino goodies ang ipapadala namin sa magiging partner ko.Polvoron,Cheese Ring,Goldilocks Caramel popcorn,ensaymada, hmmm..at marami pang iba..

If you will notice, may bago akong widget dito.I'm now a part of  The Foodie BlogRoll..Yipeee!! Well, kaka-approve lang din nila sa akin kagabi..
---------------------
 
Simula ngayon PRE-PAID na!
Kakalagay ko lang ng sign ngayong umaga.Paano ba naman nalurky ako kahapon.Ang mga bata,maglalaro dito sa shop..extend ng extend ng time nila,pag nag-out na at singilan na,sasabihin kulang ang mga pera nila at ibabalik na  lang bukas....o may choice ba ako? My gas! ayoko na nga magpautang eh.
Tapos kagabi,meron pang gumawa sa akin ng ganun, hindi naman kami close! Ang laki-laki na eh....hmp!
Hay,mga abusado...O ayan ang resulta..pre-paid na...
Good Luck naman!

Thursday, September 25, 2008

Snack Swap

It was so fortunate that I stumbled upon this website It's what we do! last night.This is like an international community,organized to --well-- swap snacks.Members of the community are partnered to a member from a different country to swap with.So,you'll get to taste some of the snacks from a different country or snacks that your country doesn't offer. Kunwari favorite mo yung KITKAT tapos gusto mo matikman yung ibang flavor na meron sa ibang bansa,ganun.O kaya naman sa UK may Cadbury with Mint Chips pero wala naman nun sa America tsaka dito sa Pilipinas.Pwede mo na matikman yun kapag ang naka-partner mo eh taga-UK.Pwede ka rin mag-request ng makaka-partner o mag-request sa magiging partner mo ng mga gusto mong ipadala nya sa iyo.

I created a livejournal account just for this.I applied to join their community.Sent the e-mail a few hours ago.

The next round of swapping will start this October and I'm really hoping they'd let me in.

Cross your fingers for me....patitikimin ko kayo,pramis.

Wednesday, September 24, 2008

Wala akong maisip i-post.Blah blah blah blah blah blah blah blah.Paano naman hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung pagdadausan ng birthday party ng chikiting ko.At yung nangyari kahapon,yun pa rin yung nangyari ngayon,wala namang naiba..blah blah blah blah blah blah blah Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz............

Tuesday, September 23, 2008

Isip,Isip

Waaaaah...still undecided kung san ko papa-birthday-in si Ykaie.Dapat kasi jan sa may Jollibee sa City hall kaya lang I was sooooo disappointed with their service.Nung um-attend kasi kami ng kiddie party nung Sunday parang walang kwenta yung nag-host nung party tapos yung nagse-serve ng food parang 1 1/2 na tao lang....haggard na yata sila.It was a sunday kasi,so definitely maraming tao and marami rin sigurong birthday party but still...dapat hindi ganun.

Ngayon,I still don't know kung saan kami mag-birthday.And another thing I have to consider is the budget.
Mas ok sana yung themed party dito sa bahay kaya lang masyadong matarbaho and masikip.

Hmmnn,back to searching and thinking...

Any suggestions???

Monday, September 22, 2008

Picture,Picture

Wala lang..gusto ko lang i-post, ang cute kasi nila eh. Father-daughter bonding bago sila matulog kahapon ng tanghali.

Sunday, September 21, 2008

Happy 10th month Birthday,Ykaie!!


We had our own Luau Party yesterday.Ykaie is 10 months old!! Grabe,ang bilis ng panahon!
 
Yan ang mga handa: Beef Stroganoff, Yema cake, Banoffee Pie and Pineapple Drink-drink-an

Ykaie  and her handa










Ang mga um-attend ng  "mini-party", cousins Thea and Cyra, mga anak ni Kuya Noel.

Nandito rin si Ate Irene,Djoraine,Kakai and Dhenzel.






Ykaie and her Yema Cake ....matindi na ang pagnanasa nya sa Yema cake

Daddy and Ykaie, sharing the pineapple drink (drink-an)
(secret lang, yung pineapple na yan props lang..walang laman yan kundi tubig..hahaha)


 











Ykaie and mommy....

akala ni Ykaie may nasisipsip sya.Gustong-gusto nya yun pineapple drink...
 
And that concludes the party..Yehhheeeyy!!
See you next month....
 -------------------------------------------------------------
Bloopers.......hehehe
 
Yung straw sa ilong ni Ykaie napunta...Ahahaha

Ahahaha...mag-ama nga kayo.. 
If you wanna know the recipes of our handa: Recipes

Friday, September 19, 2008

Pho Hoa

Nag-grocery kami kahapon sa SM North Edsa to buy ingredients para sa handa-handaan ni Ykaie.10th month birthday celebration ni Ykaie tomorrow.Susko!Ang bigat na ni Ykaie.Salitan namin syang binubuhat ni ate habang naglalakad sa SM.

After ng grocery,sa di malamang dahilan ay napagdesisyunan naming kumain sa Pho Hoa,isang vietnamese restaurant.
  
Pho Gau Gan and Dalandan Shake
(Noodles with brisket and tendon)
Yan ang close-up ng order ko...doesn't look too appetizing,does it? 
Pero masarap naman sya.


Vietnamese noodles are garnished with Lemon,Thai Basil and Bean Sprouts tsaka hot sauce at hoisin sauce kung gusto nyo..
Nag-order din kami ng Cha Gio,fried imperial roll...pero walang picture eh.
Wala akong masyadong pictures,di ko rin nakunan yung order ni ate kasi walang high chair sa Pho Hoa,eh ang likot-likot ni Ykaie.Tinikman ni Ykaie yung garnishes bago sya kumain ng noodles.Hehe..
Ang gara lang,sa tuwing oorder na lang kami ni ate Pinky ng noodles,sa kanya natitira ang sabaw at sa akin naman natitira ang noodles.Dapat yata isa lang ang order namin tapos hati na lang kami.Mas mahilig kasi ako sa soup eh.

Grrrrrrr!

Meron akong good news at bad news. Good News: Dumating ang electric bill kaninang tanghali,salamat naman at nagbunga na ang pagko-cost cutting ko.Bumaba na sya kahit na ginagamit pa rin sya dito sa pinagagawang bahay ni Tita Becka . Bad News: Pagbaba ko ngayon dito sa shop,yung computer number 8 ay nag-looping restart na naman.Hay,nakakapika na.Di mo alam kung ano ang ginagawa ng mga players dito....So,ngayon 2 computers na naman ang hindi gumagana.Haaayyyyyyy....pag di ka naman natuyuan ng dugo..reformat ever na naman ang drama ko nito.

Bago na pala ang Friendster Blogs.Mukhang mas sosyal na ito.Matagal ko na kasi tong di ginagamit dahil dito nga sa mga bago kong bloggies.Wala lang.Ibinalita ko lang.

Tuesday, September 16, 2008

In search for a Kiddie Party Package..

Hay, naubos ang oras ko kakatingin ng kiddie party packages! Kasi naman malapit na ang first birthday ni Yk yk.November 19 na kaya.(maghanda na kayo ng pang-regalo,huh?).kaya ayan,imbes na marami akong nai-sideline eh humarap lang ako sa computer at tinakaw ko ang sarili ko sa mga bonggang- bonggang kiddie party packages na ino-offer ng iba't-ibang establishments/websites.

Ang daming choices,ang problema..if it fits the budget.May mga affordable packages naman,meron ding mahal.Meron sa fastfood, restaurants, caterer at kung anu-ano pa.Meron ding mga party additions kagaya ng mga party host, mascot, food carts, face painting, etcetera, etcetera

Hmmmmnnn..what to do,what to do...

Syempre first thing that I consider is the budget.How much am I willing to spend? --er-- how much is available to spend pala..Or Is there something to spend?? hahahahaha

Cheapest Alternative would be,op kors, maghanda sa bahay.Eliminated na agad,dahil pangalawa, nuknukan ito ng matrabaho.Kailangan maghanda,magluto,magligpit,mag-design ng paligid.Lahat ng tao sa bahay obligado kumilos.

Second Alternative: Jollibee Kiddie Party Package, medyo swak ito sa budget and they also offer a lot of choices:

Party Themes: Circus Party, Treasure Adventure, Zoo Party and Justice League
Party Packages cost is for 30 persons and inclusive of party favors.

Popo's Package - spag, reg fries, reg soda, twirl (P3,929)

Mr. Yum's Package - spag, hamburger, reg fries, reg soda, twirl (P4,649)

Hettty's Package - burger steak supermeal, reg soda, sundae (P4,889)

Twirlie's Package - chicken supermeal, reg soda, sunda (P5,489)  
 
They also have Create-Your-Own Package... pero with a condition na di siya dapat bumaba sa P4,000.

This includes: 30 prizes, 30 balloons, 10 crayons, 1 guestbook and 1 mascot appearance... and siyempre, ang venue, ang host, at sound system for 1.5 hours.
BUT If I end up with a really good budget, parang gusto ko sa.................SM Storyland,SM San Lazaro
Their Party Package for 20 Person is P4,850  on weekdays (Mon-Thur) and P5,700  on weekends (Fri - Sun)

Party Package inclusions:
1 Mascot Appearance
1 yr. Club Storyland Membership
2 hr. use of Party Room
Party Host
2 Complimentary RAYC
Celebrants Gift
7 pcs. Game Prizes
*Repeat Party Gift Certificate
*P500 worth of Discount Certificate with 1 year validity
20 Ride-All-You-Can Tags
20Party Hats and Tags
20Trayliners
20Party Invitations
20Balloons
Special Storyland Themed Cake
Guest Book
Kung 30 persons naman, P6,500on weekdays at  P7,775  on weekends.
Mga kids lang naman ang mag-rides...
tapos hanap na lang food provider..one choice is  >>>
They have a kiddie packages worth P100 - P135/head and Adult packages worth P145 - P205/ head.
Hmmmn..Ano kaya??..We'll see..



If you're looking for other kiddie party packages click here & here.

Monday, September 15, 2008

Some shots from Sydney's Luau

 
Best Costume evah!
Winning moment ni Ykaie....teka, parang di sya happy??
 
Me-Ann,Arvin,Ykaie,Moi and Alvin
Si Yk yk di nakatingin....


Ykaie and Daddy 
  
Nakiki-picture sa cake...
Teka, ang pangit ng anggulo ko....ang jubey!

Sunday, September 14, 2008

We attended Sydney's first birthday party at The Nestle Creamery this afternoon.Hay,what a day! nakakapagod.
Nanalo si Ykaie ng Best In Costume..hooray for Nanay Pinky Couture!!
Will post pictures tomorrow..tired na eh.

Saturday, September 13, 2008

Breakfast is....

Sesame Bagel with Cream Cheese
Di ko naubos...waaaaaaaaa

Friday, September 12, 2008

a little indulgence tonight...

 
yogurt drink...hehe
Kuha ito sa magulong counter ng shop....

On a rather serious note...

Nung September 10,8pm um-attend ako ng meeting sa may barangay hall.Lahat ng operators and owners ng computer shops dito sa barangay namin ay present dun sa meeting.
At ang topic ng meeting: CURFEW OF MINORS..
hayy.....eto na naman..walang kamatayan.Hindi naman ako against dito no..okay nga ito dahil iwas sa lahat ng bagay namely accidents,crime, etc.
Minutes of the Meeting:

Sabi ng barangay chairman namin kapag nahulihan daw ng minors ang computer shop ng tatlong beses ay pasensyahan dahil gagawin nya ang lahat para maipasara ang nasabing computer shop.
Fine.
Sabi ng barangay chairman namin ang pwede lang daw pumasok sa computer shop ng 10pm onwards ay ang mga batang may kasamang magulang.

Fine.

Nagtanong ako,just to get it across because syempre binasa ko naman ang City Ordinance No. 0259,
 Tinitingnan ko lang kung anong isasagot sa akin......
"Chairman,Paano po kung kasama naman nung bata yung kapatid nya na mga 20 yrs old?"
Sabi ba naman: Hindi raw pwede,dahil ang sabi daw sa batas ay basta 17 years old pababa,wala daw exemptions..

Huuh??

I distinctly remember reading that these are exempted:

"Minors accompanied by their elders
Minors procuring medicine
Minors performing tasks under the direct supervision of their elders,brothers/sisters aged eighteen (18) and above and persons having parental authority over the minors"

Haalerrr??

WTF?? Anu beh?!
O sige na nga ako na lang ang magtatanga-tangahan.Kunwari na lang,I'm imbecile at di ko naintindihan yun.

Isa pa,wala naman akong dalang kopya nung City Ordinance para ipakita sa kanila.
Atsaka, baka power tripping sila..pag-initan nila ako...

Click here kung gusto nyong basahin ang mismong City Ordinance No. 0259.

Another round of Sebastian's Super Premium Ice Cream

Ayan.Hindi namin natiis.We wanna try more flavors.
This time,nakunan ko na yung store.



Mine - (repeat lang) Swiss Chocolate Cheesecake

Ate - Cookie Dough Duo Chillyburger
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin