Friday, September 19, 2008

Pho Hoa

Nag-grocery kami kahapon sa SM North Edsa to buy ingredients para sa handa-handaan ni Ykaie.10th month birthday celebration ni Ykaie tomorrow.Susko!Ang bigat na ni Ykaie.Salitan namin syang binubuhat ni ate habang naglalakad sa SM.

After ng grocery,sa di malamang dahilan ay napagdesisyunan naming kumain sa Pho Hoa,isang vietnamese restaurant.
  
Pho Gau Gan and Dalandan Shake
(Noodles with brisket and tendon)
Yan ang close-up ng order ko...doesn't look too appetizing,does it? 
Pero masarap naman sya.


Vietnamese noodles are garnished with Lemon,Thai Basil and Bean Sprouts tsaka hot sauce at hoisin sauce kung gusto nyo..
Nag-order din kami ng Cha Gio,fried imperial roll...pero walang picture eh.
Wala akong masyadong pictures,di ko rin nakunan yung order ni ate kasi walang high chair sa Pho Hoa,eh ang likot-likot ni Ykaie.Tinikman ni Ykaie yung garnishes bago sya kumain ng noodles.Hehe..
Ang gara lang,sa tuwing oorder na lang kami ni ate Pinky ng noodles,sa kanya natitira ang sabaw at sa akin naman natitira ang noodles.Dapat yata isa lang ang order namin tapos hati na lang kami.Mas mahilig kasi ako sa soup eh.

1 comment:

Anonymous said...

Kami ng husband ko, laging SHARE sa one order sa Phohoa... Now, I'm craving for some!

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin