Friday, July 15, 2011

Three Wishes

Ang hirap maging nanay...at 2nd nanay...
Ngayon alam ko na kung bakit hindi ako titser at kung bakit computer shop ang business ko at hindi day care center.
Susme, kung makakakuha nga lang ako ng isang bote na may lamang genie at bibigyan ako ng three wishes..ay hihilingin ko na:
  • maging 36 hours ang isang araw...para isiksik ang duties and responsibilities of being a mommy and a 2nd nanay.
  • magkaroon ng kapasidad na mag-multitask ng bonggang-bongga..yun bang pwede akong makapaglaba habang natutulog {taray noh?}........AT
  • magkaroon ng self-cleaning house na may kusang-loob na maglinis ng sarili nya. Yung tipong di ko na sya kailangan sabihan na "hoy, linisin mo na ang sarili mo at ang daming nakakalat na laruan"
Oo, inaantok na ako at gusto ko nang manabunot ng hipag...


No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin