Sunday, April 10, 2011

Bakit mo hina-hack ang Twitter account ko?

Nakakaloka ka!
Linggong-linggo? Ginugulo mo ang umaga ko?!
Kanina ba naman pagbukas ko ng e-mail ko ay may dalawang message doon na nagsasabi na may nagtangkang magpalit ng password ko sa twitter.
At NOT ONCE but TWICE!
Nakakaloka talaga! at bakit hindi, eh minsan ko lang naman gamitin yon. Isa pa kakaunti naman ang friends/ followers ko dun sa twitter. Minsan nga feeling ko, ako lang ang tao dun sa sarili kong account at pag nag-tweet ako eh echo lang ang pwedeng mag reply.

Ang advice ko lang sayo huh? Miss hacker or Mister hacker...ang i-hack mo eh yung twitter ng mga celebrity. Yon! Milyon-milyon ang followers nun at sigurado ako mas masisiyahan ka.

Ngayon naman, kung fan kita {hehe..ang kapal no? assuming..}. Well, naisip ko lang. Kasi naman sa dinami-dami ng may Twitter ako pa napili mo. Haaaayyyy...

No comments:

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin