Saturday, February 26, 2011

Himutok ng Bored

Pasensya na at minsan na lang ako nakakapag-post sa blog na ito. Matagal-tagal din kasi akong nagbusy-busyhan. Akalain mo bang ilipat ko yung dalawa kong blog sa WP at pagkatapos ay nagmaganda pa akong gumawa ng dalawa pang blog.

Ang saya diba? Habang nag-aayos ako ng widgets at nag-aadjust ng templates ay ramdam na ramdam kong nagdudugo ang ilong ko sa pagkalito...ngumingiti-ngiti lang ako para kunwari ang dali-dali lang sa kin.

Pinag-isipan ko tuloy kung isasara ko itong blog na ito, aabandonahin o papabayaan na parang isang neglected child. Habang nangungupit ako ng nutella ni Tita becka doon sa kanila, ay napag-isipan kong ayoko namang isara ito. Mawawalan ako ng outlet kapag gusto kong managalog dahil lahat ng blog ko ay EOP.

Paano na lang kung may gusto ako murahing ng PU@#$%^&*(!!!??

Eh di hindi ko na sya magaganun. Eh minsan pag galit na galit ka, kahit na mas magaling kang umingles pag galit, mas masarap pa rin murahin yung inaaway mo sa tagalog. Mas ramdam nya ang poot sa iyong dibdib. Diba?

Wala naman akong kagalit. Naglalabas lang kuro-kuro habang nag-iisip kung ano ang merienda....

6 comments:

Cielo of Brown Pinay said...

halu sis..ako nga din eh 5 yrs ng nasa blogger, kaya mukha akong timang sa WP...pero sabi nga ng mga lola type daw ni sheriff si WP...kaya kahit windang nakiki gaya..

OK lang sis kung hindi mo ito ilipat...rant blog mo na alng...or pag tumaas ang traffic apply mo sa IZEA or kaya sa infolinks at nuffnang..

====

Brown Pinay
PartyPreppies
My Point of View

J said...

bakit lilipat ka sa WP? Mas ok ba dun?

SimpleMomRizza said...

Peach, tuloy mo ito, sayang naman! isa ito sa inspirasyon kong blog eh... hehehehe...

Jes said...

hi sis salamat sa dalaw...try mo ang Brazilian. ehheheh masakit pero kaya naman ;D

yay so tagalig blog mo ito heheeh ako dn mayron pero d n updated. wag mo abandn tama outlet yan pag dumudugo n ilong mo sa isa mong blog :))

Joy said...

wag mo itong isasara peach, feel na feel ko ito hehe

Kate said...

I miss you, Peach! Saan ka na? :(

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin