May giant bukol si Ykaie.Nahulog na naman sya sa kama.Sobrang nakakanerbyos,although I believe that her guardian angel is always there to catch her, I was worried.Ito ang kauna-unahang beses na makita ko syang may gigantic bukol sa kanyang noo. Medyo nag-subside na yung swelling ngayon kasi in-apply-an naman ng icepack.
Nagising kasi ako ng maaga,kaya iniwan ko sila ni peanutbutter♥ na natutulog.Hindi ko na pinalipat si peanutbutter♥ kasi ayoko syang gisingin dahil katutulog lang nya.Ayun,dahil malikot matulog...nakalusot sa unan.
What's bad when things like this happen is parating may naninisi. That's what I avoid most,kahit sino pa ang nagbabantay.Kasi the thing is..kung sino man yung nagbabantay na yun? Most likely halos mamatay na sya sa nerbyos tapos sisisihin mo pa sya?!? Naman!
Ilang beses na kaya na nahulog,nabaldog,o nadapa si Ykaie na hindi ako ang may hawak but hindi ako nanisi kahit kailan kasi ayokong maramdaman nila yung nerbyos tapos guilt.I always tell them na ganyan talaga ang bata.Which is true.Ihanap mo ako ng bata na hindi nahulog,napaso, nadapa o nabaldog.Tingnan ko kung makakita ka.
Yung pamangkin kong si kakai,sobrang dami na ng aksidente na nangyari sa kanya simula pagputok ng ulo sa headboard ng kama ko hanggang sa pagkawakwak ng binti dun sa elepanteng display ni nanay. Ayun,ako ang nag-comfort sa kanya when the going got tough.Ako ang nakayakap sa kanya kapag tahian na ng sugat. Hay,napagalitan pa nga sya sa pagkabasag nung display,eh sya itong injured....poor kid.
Syempre,I worry....nanay ako eh. Ayokong may nangyayaring masama sa anak ko.Ayoko syang nasasaktan. Pero I don't worry to the point of ka-OA-an.
1 comment:
Hay naku Peachy, tama ka, walng btang hindi nabukulan. Lahat ng anak ko ay nakaranas ng aksidente. Eldest ko, ako pa nakahulog sa tri bike noong 10 mos. old sya, duguan ang mukha. Si Roan, napasok ang paa sa butas ng speaker, di maalis, iyak ang nanay ko...Si Wrozlie nabgskan ng wood display corner sa katawan 8 mos. sa KOrea, at si Alex, naihulog ko sa Recliner, habang ako eh tulog. It happens eka mo nga, and cannot be avoided, bata kasi. Asawa ko nakaharap, si Wrozlie nangudgod sa carpet, dugo ang bibig..Oh di ba? kahit sino bntay, pwede maaksidente ang sinuman.
Post a Comment