Thursday, December 18, 2008

Karoling

 
Dito sa may amin ay usong-uso ang Dance Carolling tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan. Ito'y iyong mangangaroling sa pamamagitan ng pagsasayaw saliw sa tugtuging pamasko.

Noong isang araw ay may nangaroling dito sa shop.Halos lahat ng sinayaw nila ay yung mga nasa CD ni Willie Revillame at ang pinakahuli ay ang "My Humps".

Hayan sila pagkatapos magsayaw ay nag-request pa ako ng picture sa harap ng computer shop.

Magandang araw ng Huwebes mga Ka-litratista! Maligayang Pasko na rin at sa susunod na taon na tayo magkikita-kita...

10 comments:

Anonymous said...

Ayos ha! Walang binatbat ang "Sex Bomb Girls" sa iyong "Pasko Pussycats" - hehehe! :)

Anonymous said...

Ayos! talagang mapapabigay ng aginaldo ang kanilang kakantahan :D

Bella Sweet Cakes said...

Aba di oa ko nakapanood ng ganyang Karoling,, masaya sigurado yan!!!!
eto namn andg sa akin http://aussietalks.com/2008/12/litratong-pinoy-karoling.html

agent112778 said...

grabe ang sexy naman pala ng mga-carolers jan...lipat na kaya ako jan :)

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

kaseseksi naman! walang binatbat klase ng karoling dito sa lugar ko ha ha!

Merry Christmas at tama ka, see you next year!!

Mauie Flores said...

Noong nakatira pa kami sa Makati ay usong-uso rin yan. Nakakainis ngayon kasi pag nasa subdivision ka na nakatira, pati pala mga bata tinatamad na rin mag-caroling. Promise! 7 days na lang till Christmas, wala pang nangangaroling sa bahay ko.

Anonymous said...

Nice!!! Sa Pilipinas ako lumaki pero kahit kailan, walang nangaroling saamin na Dance Carolers!! Heheh!

Sana maka dalaw ka rin sa aking pahina dito.

Salamat!

-- Biang

Anonymous said...

buti pa diyan sa inyo may buhay ang mga nangangaroling. dito eh sapilitan pa. hehe.

Unknown said...

Merry Christmas and a Happy New Year from a cold Netherlands!! ;)

greetz,
Mareen

Anonymous said...

okay yan ah! uso na pla ang ganyan!:)

Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin