Wednesday, December 31, 2008

HAPPY NEW YEAR!!

 MyHotComments.com

I am....

MyHotComments.com

New Year's Resolution

Bagong Taon na naman.Nanjan na naman ang sandamakmak at gasgas na gasgas na New Year's Resolution na hindi naman natin natutupad lahat.Pero gawa naman tayo ng gawa.
O sya, heto na ang aking New Year's Resolution na ewan ko naman kung matutupad ko..

1.Magpapapayat na ako.Hindi ako nagpapatawa,wag kang tumawa.
10-20 lbs lang.Pramis. New Year's Resolution ko ito this year.So far may improvement naman.
Yang "before" picture ko ay noong binyag ni Ykaie. Hindi ko iyan pi-nost kahit san kasi ang jubey ko.Ngayon lang.

2. Mag-Tipid at Mag-save.
3. Learn New Things.
4. Gusto ko maging organized.Panatilihing malinis ang kwarto naming makalat.haha
5. I want to be a better person, wife, mommy, daughter, sister and friend.

So far, yan pa lang ang naiisip ko.update ko na lang ito kung meron pa.

Ikakasal ka na....

Kahapon ng Alas- singko ng hapon....

Kriiiiing!..........Krrrriiinng!..........


Kuya Noel: May gagawin ba kayo?
Ate Pinky: Baket?
Kuya Noel: Punta kayo ikakasal ako ngayon
Ate Pinky: Ha?! Anong oras?
Kuya Noel: Alas-sais
Ate Pinky: Ha?! Alas sais ka na ikakasal? Bakit ngayon mo lang sinabi?
Kuya Noel: para makapag-handa kayo.Isama nyo yun dalawang matanda..
Ate Pinky: Saan?
Kuya Noel: Sa Kamay Kainan..


Ang aking initial reaction: Huuwaaaatttt??


O diba, ang taray ng Kuya ko?? My gas! Sinabihan nya kami 1 hr before the wedding. So sweet! Hindi tuloy ako nakapag-gown.Grin

At eto pa. Nauna pa kami dumating sa kanila sa venue ng kasal nila. Feeling tuloy namin eh,na-good time lang kami. Buti na lang kamo at may dumating din na mga kasamahan nya sa Ospital.....na sinabihan nya ng around 2:30pm.

It's sooo very Noel.

Tinext na nga lang namin si Ate Thess para sumama.

Hindi kami prepared at rush lang ito.Eto na lang ang pictures:
 
O ayan.Serious yan huh?
 Congratulations and Best Wishes!

Tuesday, December 30, 2008

Gusto ko lang mang-okray...

Sa kainitan ng Friendster ay nauso ang friendster pose.Yung nakatagilid ang ulo at nakangiti na animo'y deformed.Lingid sa kaalaman ng marami ay hindi lang yan ang usong-usong pose,nagulat na lang ako sa bagong usong pose lalo na ng mga kabataan ngayon.
 
Hayan, ilagay ang hintuturo sa labi at ngumiti..
CLICK!!
 
Nakakalurky! Hindi mo alam kung nagpapaka-seductive o sumesenyas silang wag kang maingay.
At naki-uso rin ang pamangkin ko!

Bonggang-bongga!

TEKA!

Hmmmnnn......................Parang nakita ko na tong pose na ito....

 
Ahahaha...oo nga! Dito nga kaya ito nakuha??!
Inaya ko tuloy si ate para malaman kung ano ang feeling. Hala!Sige,Pose!
O anong say nyo??hehe

Monday, December 29, 2008

stressful naman

Ang sakit -sakit ng batok ko at wala akong gana kumain...para akong nasusuka.Paano nasira ang araw ko sobra! Pagod ka na nga tapos susungitan ka pa! Hmp,panget!

Tapos may makaka-usap ka pang makapal ang pagka-angge pag hindi naman nag sky rocket ang blood pressure mo!
Ni hindi pa nga ako nakakapaligo..gabi na!

hay, buti na lang monday night..wala ng tao dito sa shop at bukas ang aircon.Ang luwag! Feeling ko baga ko itong loob ng shop at nakakahinga ako ng maluwag...

inhale...
exhale...

inhale...
exhale...

nasisiraan na yata ako ng bait...Free Emoticons For Your Blog

A little hairy


I laughed when I saw the pictures.This was taken before my daughter took a bath.After removing some hairclips from her hair. Free Emoticons For Your Blog

The Ykaie monster
She's still cute,isn't she?
Have a great monday!

Sunday, December 28, 2008

Thank You

Malapit nang matapos ang taon. Makapag-senti nga muna ng kaunti.Marami kasing bagay ang dapat kong ipagpasalamat sa ating Panginoon at maraming bagay rin ang aking natutunan ngayong taong ito.

1. Nakapagbukas kami ni peanutbutter ng computer shop na malapit lang sa bahay namin. Naalagaan ko na si Ykaie, may hanapbuhay pa. Bagamat may hinuhululugan pa kami dito ay okay na rin dahil nasusubaybayan ko ang paglaki ng aming anak.

2. Marami akong natutunan bilang "rookie mommy". Mula sa nararamdaman ng isang ina hanggang sa kung paano maging isang mabuting ina.

3. Mas natuto akong magbigay. Iba pala kapag medyo mas nakakaluwag ka sa buhay.

4. Salamat at si peanutbutter ang binigay ni Lord sa aken.kahit na may toyo yun...alam kong mahal na mahal nya kami ni Ykaie.

5. Salamat kay Ate at Kuya. I couldn't ask for a better brother and sister.

6. Salamat at nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan through blogging. I've been blogging in friendster for a long time pero pansarili lang,ngayon my circle of friends has grown so much larger.

7.Most of all...I'm thankful for because I've been given another year of love and adventure with my family.

Christmas Feast

 
Hay,Salamat naman at naiba naman ang handa namin ngayong Pasko.Hindi naman sa nagrereklamo ako no.Tuwing may okasyon o handaan dito sa amin ang pirming handa na lang ay Morcon, Embotido, Shrimp na sauteed sa Ketchup. Nakakasawa din naman. Simula yata ng nagka-isip ako ganun na ang pirming hinahanda at ang mga oldies ay takot mag-explore ng ibang dishes.
This Christmas medyo naiba ang handa.Sis and I contributed Lechon. May pork barbecue, cake balls, buttered veggies,fruit cake, fried wanton balls,pasta at may chocolate fountain pa with fruit platter and other dipping items.
 
Happy Sunday everyone! 

My other La.Pi.S post: Lechon (Spit-Roasted Pig) for Christmas

Saturday, December 27, 2008

Christmas Day 2008

Nandito na ang Christmas pictures! Just click for a larger version...
Our Family Picture (I'm wearing the green m and m shirt)

Nanay, Tatay, Kuya Noel, Ate Pinky & me with the grandkids Joshua,Thea,Cyra and Ykaie .
Naku,tulog si peanutbutter ng mga panahong ito at galing sa trabaho.



Buti na lang at may picture kami sa Chocolate Fountain bago sya matulog..


Enjoy si Ykaie sa chocolate fountain..



Chocolate-dipped strawberry..yum!



mommy's turn..



Ykaie and Cyra in their Santa outfits



Ykaie received lots of presents!



Another cute present from Tito Noel!




Finally a wacky family picture!

Friday, December 26, 2008

Some shots before going to bed...

Nakatuwaan ko lang bago matulog.. paano naman si Ykaie ayaw pa matulog..
Hala sige..magtatawa pa
 
  
Puyat at pagod na....

Christmas Eve

Doon kami nag-Noche Buena sa Malabon.We spent Christmas eve with my second family.

Hirap ng naka-timer lang..haha..
Kuya Jojo, Ate Arlene, Papa, Mama, Me, Ykaie and peanutbutter

Gifts

Na-out of stock ang Kistna ng The Body Shop kaya Of a Man na lang ang naging gift ko kay peanutbutter.He gave me this cutie purse.

Wednesday, December 24, 2008

Merry Christmas everyone!!


Hope you'll all get lots of presents!

Wham Burger

Kahapon lang ako nakabili ng mga Christmas gifts for my inaanaks and pamangkins. Kasama si Joffrey at Djoraine,niyaya ko si ate sa Wham Burger para naman matikman nila . Masarap kasi yung burger dun.


Our orders were: Wham Burger with Cheese (P113)
                            Bronco Burger (P138)
                             French Fries ( P50)
                            Cross trax Fries (P55)
                             McCain Onion Rings (P59)
                            Chicken Littles ( P79)
                            Roasted Garlic Mayo (P23)
                            Creamy Blue Cheese  (P34)

Tuesday, December 23, 2008

Blog Ni Sis

Nagsimula ng mag-blog ang aking kafatid! Maari nyo na syang bisitahin...

Introducing.......




Itago na lang natin sya sa pangalang Anney.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito...hehehe

Welcome to the Blogosphere, sis!

Monday, December 22, 2008

I'm sick..waaaahhh

Ill  Pagkatapos ni Ykaie..ako naman. Di ko alam kung ano nakain ko kahapon. Nag-LBM ako and I threw-up kaninang madaling araw..Wala tuloy ako lakas mag-post masyado....huhuhu

Sunday, December 21, 2008

These things happen, people...

May giant bukol si Ykaie.Nahulog na naman sya sa kama.Sobrang nakakanerbyos,although I believe that her guardian angel is always there to catch her, I was worried.Ito ang kauna-unahang beses na makita ko syang may gigantic bukol sa kanyang noo. Medyo nag-subside na yung swelling ngayon kasi in-apply-an naman ng icepack.
Nagising kasi ako ng maaga,kaya iniwan ko sila ni peanutbutter na natutulog.Hindi ko na pinalipat si peanutbutter♥ kasi ayoko syang gisingin dahil katutulog lang nya.Ayun,dahil malikot matulog...nakalusot sa unan.

What's bad when things like this happen is parating may naninisi. That's what I avoid most,kahit sino pa ang nagbabantay.Kasi the thing is..kung sino man yung nagbabantay na yun? Most likely halos mamatay na sya sa nerbyos tapos sisisihin mo pa sya?!? Naman!

Ilang beses na kaya na nahulog,nabaldog,o nadapa si Ykaie na hindi ako ang may hawak but hindi ako nanisi kahit kailan kasi ayokong maramdaman nila yung nerbyos tapos guilt.I always tell them na ganyan talaga ang bata.Which is true.Ihanap mo ako ng bata na hindi nahulog,napaso, nadapa o nabaldog.Tingnan ko kung makakita ka.

Yung pamangkin kong si kakai,sobrang dami na ng aksidente na nangyari sa kanya simula pagputok ng ulo sa headboard ng kama ko hanggang sa pagkawakwak ng binti dun sa elepanteng display ni nanay. Ayun,ako ang nag-comfort sa kanya when the going got tough.Ako ang nakayakap sa kanya kapag tahian na ng sugat. Hay,napagalitan pa nga sya sa pagkabasag nung display,eh sya itong injured....poor kid.

Syempre,I worry....nanay ako eh. Ayokong may nangyayaring masama sa anak ko.Ayoko syang nasasaktan. Pero I don't worry to the point of ka-OA-an.

Christmas Party

Kasabay ng pagdating ng kapaskuhan ang mga Christmas Party sa opisina at eskwelahan.Si peanutbutter nga eh ang dami-daming Christmas Party. Nanjan yung sa maliit nilang grupo sa Opisina, company christmas party,Pati nila yung guild nila sa online game, may Christmas party rin.

Syempre,kasama na sa mga Christmas party na yan ang monito monita at exchange gifts.Namimiss ko na rin yan dahil wala naman akong ka-Christmas party dito sa shop.Yung mga something long,something hard,something sweet at kung ano-ano pang ka-something-an.

Ngayon ay nauso na ang mga "wishlist" tuwing exchange gift season.Paano nga eh kung ano-ano na lang ang natatanggap natin mula sa mga ka-monito natin na hindi naman natin gusto.Ikaw,pag-iisipan mo mabuti kung ano ang ibibigay mo tapos ang matatanggap mo kundi pigurin ay good morning towel?! may gas naman!





Ngayon,wala akong ka-exchange gift....waaaaaah..makipag-exchange gift kaya ako sa sarili ko??

Thursday, December 18, 2008

my gawd!

maysakit si Ykaie kagabi....wala akong tulog....dadating si tita eva....waaaaahhh..Yawn

Karoling

 
Dito sa may amin ay usong-uso ang Dance Carolling tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan. Ito'y iyong mangangaroling sa pamamagitan ng pagsasayaw saliw sa tugtuging pamasko.

Noong isang araw ay may nangaroling dito sa shop.Halos lahat ng sinayaw nila ay yung mga nasa CD ni Willie Revillame at ang pinakahuli ay ang "My Humps".

Hayan sila pagkatapos magsayaw ay nag-request pa ako ng picture sa harap ng computer shop.

Magandang araw ng Huwebes mga Ka-litratista! Maligayang Pasko na rin at sa susunod na taon na tayo magkikita-kita...
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin