Showing posts with label weekends. Show all posts
Showing posts with label weekends. Show all posts

Sunday, January 17, 2010

Good Buys and Two parties in one day

I had a rather busy weekend and my so-called "DIET" was forgotten for 2 whole days. My gahhh!! We had some good buys,though.


peanutbutter bought the latest issue of our fave comic book when we went to the mall. Gustong-gusto ko ang pugad baboy paano ba naman ay talagang humahagalpak ako ng tawa kapag nagbabasa nito.

Bumili rin ako ng garlic wine vinegar. Susubukan ko sa dish na gagawin ko para sa surprise B-day ni mudra sa isang buwan.


Kahapon ay um-attend kami ng binyag kung saan ay ninang si ate. Yung picture sa taas ay si Chellie [niece] at si Ykaie sa labas ng Church. Late si Father kaya naman ang tagal naming naghintay sa Church at nauna pa nga ang reception. Nakakaloka sa kakulitan ang dalawang ito at halos gawin ng playground ang labas ng simbahan sa kakatakbo para lang libangin ang mga sarili nila.

Pagdating naman ng hapon ay 1st Birthday celebration nung bininyagan. Syempre, feeling fabulous si Ykaie sa kanyang butterfly face painting.

Imagine attending two parties in one day?? I have to get back on track....

an entry forPhotobucket. Happy Start of the Week!

Saturday, August 29, 2009

Weekends

Weekends na!!! As if naman there's something new sa akin pag weekends na. Eh from monday to sunday, iisa lang naman ang schedule ko. Wala namang ibang nangyayari. Hindi ko naman day-off, dahil wala naman akong day-off. Ang kaibahan lang pag weekends katabi ko si peanutbutter, kahit na nga ba minsan ay katabi ko nga sya pero wala sya sa sarili dahil nagkayayaan sila magpe-friends na mag-inuman.
Maalala ko, natawa ako sa narinig ko nung isang araw sa radyo habang nakasakay ako sa taxi papuntang SM.

"Aanhin mo ang gabi,
kung wala ka namang katabi?
aanhin mo ang katabi,
kung wala namang mangyayari?"

Hahahaha,tawa ako ng tawa..oo nga naman, sayang!
Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin