Nananahimik akong naglalaba kaninang umaga. Bigla na lang sumakit yung daliri ko sa paa. Yun pala may naapakan akong bubwit na di ko naman alam kung saan nanggaling at dahil naapakan ko sya, ginantihan nya ako. Di ko alam kung kinagat nya ako o kinalmot. Hala, nalurky ako at nagmadaling nagpa-bakuna para di ako ma-tsugi forever. Baka ma-tsugi ako....siguradong mananahimik ako ng tuluyan.
Infairnes naman sa bubwit ay masyado rin syang tahimik maglakad kaya di ko sya nakita at tuloy ay naapakan. Naabutan na nga sya ng nanay ko dahil di na halos makatakbo. Ayun dedbol...hahahaha.
Talaga nga naman. Pagkatapos nun....dumiretso na kami nila ate na naglakwatsa. Ayoko kaya magbukas ng shop, baka ma-tsugi ako..ayoko ma-tsugi ng nagtatrabaho..hahahaha..
ito ang aking lahok para sa.Magandang Huwebes!
9 comments:
hahaha natawa naman ako sa post mo. may boss ako dati na kahit maysakit ka na, di ka pa pwede mag-sick leave. kaya biruan namin sa office, di na ambulance tatawagi, funeraria na. LOL
kidding aside, kakatakot nga makagat ng daga.:(
good move! salbaheng bubwit yan ha!
Nakakaloka naman itong "tsugi" forever mo Mommy Peach. Ano ba yung lurky na naapakan mo at takbo ka agad sa doctor.
LP: Tahimik
ahahaha. talagang di nagpaawat makalakwatsa lang
LOL! Nakakatawa na nakakatakot. Ayaw ko kasi ng turok - pero pag sa ganyan bagay - tahimik na lang at mag pa injection na rin. Mahirap ng manahimik ng tuluyan. Yikees.
hmmm happy ending sa yo at nakapag unwind ka matapos mag pa bakuna, tragic ending naman para kay remy, hehe.
Ang galing naman ng post mo! Nakakatawa, pero may matututunan. Magpabakuna agad kung sa tingin mo nakagat o nakalmot ka ng tahimik na bubuwit.
If you have time, do drop by:
Tahimik
eh bakit kasi masyadong tahimik si Bubwit..ayun! natsugi nang tuluyan! hahahaha! maligayang LP!
sorry nalang si doding daga, mali ang kinalaban nya =))
ang cute ng nakababata mong kapatid sa ika-lawang litrato.
eto ang aking LP entry
Post a Comment