Friday, June 24, 2011

Tag-Bagyo

O sige... tuloy-tuluyin ko na ang pag-uupdate sa blog na ito. Yaman din lamang at nagtatatatambay si Falcon {ang bagyo} dito sa Pilipinas at naubos ko na ang mga pwede kong gawin ay napagpasyahan kong mag-update na lang.

points that I have pondered today...
  • Well, first of all, ito ang first time na na-suspend ang klase ni Ykaie. This is the first time in a long time na binuksan ko ang TV para manood ng Umagang Kay Ganda  at alamin kung suspendido ang klase sa pre-school, elementarya at highschool.
Nakakaloka! Aba ang layo yata ng school ni ykaie mula sa bahay namin.....

....mga 20 steps away.

hehehe, joke lang..mga 25 naman...
  • Nagpalit ako ng bedsheet, kasi nung nag-movie night kami kagabi sa kwarto kasama ng mga bata ay sandamakmak ang snacks nila. May Tempura, Marty's, french fries ng McDo, Yema at chocolate milk. Lahat ng pwedeng tumapon at magmantsa sa bedsheet ay nag-mantsa na. 
Lesson learned:

A. Wag manood ng kasama ang mga bata.....JOKE.

B. Wag sila bigyan ng snacks habang nanonood? Ay baka mainggit sila kasi ang snack namin ni sis ay BIGMAC, Dalandan Soda at Chocolate.

C. Mamamalantsa na lang ako habang nanonood....productive pa.
  • Napanood ko ang latest at mukhang season finale ng Game of Thrones at na-excite ako. Mamaya habang namamalantsa ako eh, papanoorin ko na rin yung The Adjustment Bureau.
  • Hindi pa ako nag-start mag-diet ulit. Para sa kaalaman ng lahat ay kasalanan ni ate ito. {haha, manisi ba?} Nagluto kasi sya ng Adobong Pusit for dinner ngayong gabi. Eh favorite ko yon.
  • Maaga sana akong magsasara ng shop. Ang tagal mag-out ng dalawang natitirang customer. nagkukulog na nga dito at super iskeyri, di yata nararamdaman...
Anyway, hanggang dito na lang at nagkakape ako. Good night!

    Tuesday, June 21, 2011

    ~♥~

    Isang buwan na ba??

    Ambilis naman..eh parang kahapon lang dumating si peanutbutter♥, aalis na naman bukas.

    Haaayy..sad ang lola.

    Tapos na ang feastday, tapos na ang gala..

    Umpisa na ulit ng diet..huhuhu {LOL!}

    Kailangan ko yata matulog ng isang buong araw para makabawi sa pagod at pagka-bangerla.

    Ika nga ni ykaie "back to work mr. mommy..."

    Tuesday, June 14, 2011

    Ang SUMPA: The Chinese Squat Toilet Experience

    Nakwento ko na ba sa inyo na nag- Hongkong-China tour kami?

    Well, marami kaming napuntahan. Nagkandapagod kami at nasiyahan pero pagdating ng China ay may isa akong di inaasahang pangyayari.

    Lost in Translation na ang drama namin tapos pagdating pa doon ay....
    ....Uso pa pala ang squat toilet??

    Que Horror!! I have my period pa naman noong time na yon so imagine-in mo na lang kung bakit ayoko ng naka-squat.

    Si ykaie tuloy hindi ma-weewee nung makita ang toilet. I had to show her how para lang ma-weewee sya.
    Buti na nga lang at kahit papaano ang isang toilet na ito {yung nandyan sa pichure} ay malinis-linis.

    Imagine-in nyo na lang din kung ano ang itsura nung ibang hindi malinis.

    China is famous for it's not so good toilet reputation davah? So medyo culture shock ang lola at dito naman sa atin kahit papaano ay malilinis ang mga tao pagdating sa mga CR nila. Yung CR nga sa palengke kahit super luma at bakbak na ang mga tiles, malinis pa rin. Kahit na magbayad ka pa ng P3 sa pag-weewee.

    Ayoko na mag-elaborate at gabi na... basta ayoko ng squat toilet..

    Related Posts Widget for Blogs by LinkWithin