Syempre,kasama na sa mga Christmas party na yan ang monito monita at exchange gifts.Namimiss ko na rin yan dahil wala naman akong ka-Christmas party dito sa shop.Yung mga something long,something hard,something sweet at kung ano-ano pang ka-something-an.Ngayon ay nauso na ang mga "wishlist" tuwing exchange gift season.Paano nga eh kung ano-ano na lang ang natatanggap natin mula sa mga ka-monito natin na hindi naman natin gusto.Ikaw,pag-iisipan mo mabuti kung ano ang ibibigay mo tapos ang matatanggap mo kundi pigurin ay good morning towel?! may gas naman!
Ngayon,wala akong ka-exchange gift....waaaaaah..makipag-exchange gift kaya ako sa sarili ko??

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento