Pages

Thursday, October 30, 2008

LP: KADILIMAN

Medyo nahirapan akong mag-isip kung ano ang aking ilalahok para sa linggong ito.Humingi pa nga ako kay ate ng suggestion.
Ako: Ate, ano kaya ang pwede kong kunan para sa Litratong Pinoy?
Ate: Ano bang topic nyo?
Ako: Kadiliman
Ate: Kunan mo na lang ang singit ko...(nagbibiro lang po sya)
Ako: EEEEWWWWW,hahaha......Crying with laughter

Suske,nagkanda-sakit ang tyan ko sa katatawa..Si ate talaga nakuha pa i-volunteer yung singit nya.....Pero balik na naman ako sa pag-iisip, naisip ko na dahil Kadiliman ang topic,bakit hindi ko kaya ilagay ang piktyur ng ex-boypren ko??? Nagdilim kasi ang buhay ko nung maging kami..Timing pa at Halloween Giggle...Kaya lang naisip ko rin na hindi naman masyadong akma sa topic. Kung LAGIM ang topic,yann!..jan ko sya dapat i-post. Isa pa, wala na akong piktyur nun, tinapon ko na nung maging kami na ni peanutbutter. Ayan tuloy recycled na piktyurs na lang...



Clover Chips at Kape.....merienda ko sa gitna ng kadiliman ng computer shop.


Isang gabing madilim at malakas ang ulan.Naisipan kong kunan ng litrato ang labas ng shop para ipakita kung gaano kalakas ang ulan.Dahil sa flash ng camera nagmukhang snow ang mga patak ng ulan.....





Happy LP!!!

21 comments:

  1. oonga ano parang snow!:)

    ReplyDelete
  2. Ha ha ha!! Nakakatuwa namn ang kwento mo!!! Napatawa rin ako!!!!!

    Well there you go may nahagilap kang kadiliman... eto naman sa akin http://aussietalks.com/2008/10/litratong-pinoy-kadiliman.html

    ReplyDelete
  3. sana seryoso si ate :) hahahaha joke lang po =)) =))

    gusto ko yung unang litrato :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  4. LOL, sana yung singit nlng.. eeewwww!!!

    Silipin nyo rin ang lahok ko.. ang litrato ng anak ko sa kadiliman...naway matakot ko kayo! Ang aking Lahok
    "sa kadiliman"

    ReplyDelete
  5. Comedy kayo ng ate mo! Super na tawa (at grossed out) ako sa iyong kwento... at ang dati mong bf ha... hindi ba niya nababasa ito..

    Akala ko rin ay my snow na sa Pinas... sayang.

    ReplyDelete
  6. Kulit ng ate mo ha! At gusto pa ng "indecent exposure" sa internet - hahaha! Baka ma-mark na "for mature content" ang blog mo pag nagkataon... :lol:

    ReplyDelete
  7. nakow! natakot ako sa suhestiyon ng ate mo at baka totohanin mo.

    ReplyDelete
  8. Ha ha ha! Natawa ako sa kuwento mo! Kwela sister mo pati ikaw din, natawa ako sa 'lagim' peksman!

    next time, pagbigyan mo ate mo ha ha ha!

    Happy Halloween at Happy LP!

    ReplyDelete
  9. ang kulit ng ate mo ha! at ang kulit mo kasi pinost mo pa talaga. hehe.

    tungkol sa ex mo.. pareho tayo mag-isip peachkins! haha.

    ReplyDelete
  10. napatawa rin ako, brightened my day! salamat :-)
    oo nga, parang snow ang dating ano...cool!

    ReplyDelete
  11. panalo itong post mo, nagising ako at it made my day.

    sige, pag nagkaroon ng topic na lagim sa LP, mga ex natin ang ipost natin. :D

    ps. kahit sa kadiliman, nakita ko ang clover chips, hahaha! paborito ko yannnnn! penge!!!

    Kadiliman sa MyMemes
    Kadiliman sa MyParty

    ReplyDelete
  12. AT first kala ko nga snow..Hoy ha, funny ang sister mo...at funny ka rin, no wonder..siguro lagi kayong nagtatawanan..Hay, na miss ko naman ang sister ko sa Pinas. Hmmmm...Kapag magkasama kami non, la na kami ginawa kundi, kumain, tumawa at mamintas ng mga dumadaan, lalo kung mag BF , or mga yudab (backwards) ..Hehehe...Sama eh noh?
    Ingat..

    ReplyDelete
  13. halos ayoko i-scroll down na kanina kasi baka tinotoo mo yung joke. hahaha!

    Happy LP!

    ReplyDelete
  14. ka-LP! napaiyak mo ako sa tuwa sa entry mo...as in halakhak to the max sa 'singit' at 'nagdilim ang buhay'. galing mong magsulat...feel na feel ko.

    salamat sa pagbahagi.

    ReplyDelete
  15. I am hosting a giveaway in my new site sweetytots and I'd like to invite you to join in I'm giving away a 3pc musical toy set perfect for your baby. Click here to join.

    ReplyDelete
  16. auz ang snow..:)
    maligayang LP po
    kakasali ko lang sa LP
    kaya kund pwd mabisita ung blog ko?
    salamat.:)

    ReplyDelete
  17. ganda ng effect ng droplets of water :) happy weekend!

    ReplyDelete
  18. hahaha as always, panalo ang mga post mo :)

    ReplyDelete
  19. ang dilim naman sa computer shop! ok sa combo ah, clover chips at kape! favorite ko ang clover chips na cheese! :D

    ReplyDelete

Thanks for visiting my blog today. If you want to know me better you can drop by my other blogs:

The Peach Kitchen
peach and things